Denciojuan sa Dapitan

Iilang minuto lang ang Dapitan mula sa Dipolog kaya dinalaw ko na lang. Matagal ko na rin namang gustong pumuntang Dapitan kahit noong una akong mapadpad sa lungsod ng Zamboanga nung high school pa ako. Ilang taon pa ang lumipas bago ito natupad.

Bakit ba nakakasabik pumuntang Dapitan? Unang-una, ang Dapitan ay naitanim na ng ating mga guro sa Araling Panlipunan, SIBIKA o kung ano man ang tawag dyan ngayon o sa panahon nyo. Kilala ang Dapitan dahil na rin kay Jose Rizal. Mas lalo pa itong sumikat nung ginawa ang pelikulang “Rizal sa Dapitan” na pinagbibidahan ni Cesar Montano at Amanda Page.

Kaya dinalaw ko na rin. 20 minuto mula Dipolog bitbit ang 25 pesos pambayad sa sasakyan at iilang barya para sa tricycle ay ayus na ang lakad mo.

Pagdating namin doon ay dumiretso agad kami sa Rizal Shrine hindi lamang sa excited kami kundi malapit na itong magsara. Mag aalas-singko na kasi ng hapon iyon. Hindi naman bukas ang Shrine ng 24 oras. Wala si Mike Enriquez doon. Inikot namin ang buong Shrine. Nagsimula kami sa museo. Pero nakakalungkot isipin at tingnan na walang laman ang museong ito. Hindi literal na walang laman kundi wala kang makukuhang matino sa lugar na iyon maliban sa tshirt na sobrang mahal. Hindi napreserve ang ibang larawan. Walang labels ang lahat. Museo bang matatawag ang lugar na iyon?

Wala ring laman ang mga bahay na replika ng mga itinayo ni Rizal. Nagtayo sila ng replika ng kusina ni Rizal pero ang nasa loob naman ay mga bagong gamit. Sana man lang yung medyo umitim na dahil ginamit na nga. Kaso ang nilagay, palayok fresh from the palengke.

Masamang magreklamo pero mas maganda ang lugar na ito noong LGU ng Dapitan pa ang nagpapatakbo. Ngayong hawak na siya ng National Government, history na talaga siya. Kasaysayang dapat kalimutan dahil nagmumukhang walang kwenta ang lugar na iyon. Ibalik na sa LGU ng Dapitan ang pamamahala ng Rizal Shrine! Ang mga taga-Dapitan ang nakakalam ng mga pangyayari!

Ito ang iilan sa mga kuhang larawan sa Rizal Shrine!

walang label kahit maliit na papel sa tabi nito.

wala ring label. ano ba?

ang kahoy ni Rizal

ang CR ni Rizal

***

May ginagawa ngayon sa Dapitan na magpapakita kung saan dumaong ang sinakyan ni Rizal. Nakakatawang isipin. Fabrication na ang lahat ng makikita mo doon. Kung si McArthur ay may “I Shall Return” si Rizal naman ay may “Just Arrived.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s