Ang Virgin Cola

Kailanman hindi ko inakalang magkakaroon din ako ng panahong isulat ang entry na ito tungkol sa isang inuming may kakaibang pangalan. Marahil alam nyo na ngayon na may bagong carbonated drink na binibenta dito sa Mindanao lamang. Ito ang tinatawag nating virgin cola. Tama ang iyong nabasa – VIRGIN cola.

Kanina, habang kasama ko sina Claire at John papuntang SM, napag-usapan namin ang tungkol sa mga inuming makikita sa loob ng aming ref. Nasabi ni John kay Claire na may Virgin kami sa bahay. Ang hirit ngayon ni John ay ito, “Claire, nakatilaw na ka ug virgin?” (trans: Claire, nakatikim ka na ba ng virgin?) Hindi ba’t nakakatuwa ang ganitong klaseng tanong? Sa aking pagninilay-nilay, aking napagtanto na medyo mabenta nga ang pangalang Virgin para sa isang inuming sa Mindanao mo lamang mabibili. Ito ang aking mga punto:

  1.  Kung ikaw ay pupunta ng tindahan, magtatanong ka ngayon sa ale ng ganito, “Ate, may virgin po kayo?”
  2. At dahil sa sobrang bait ni ate, buong galang at pagmamalaki niyang sasabihin sa iyong, “Syempre naman, may virgin kami. Mura lang.”
  3. At dahil hindi sinabi ang presyo magtatanong ka ulit, “Ate, magkano po virgin nyo?”
  4. At ikaw naman ay sasagutin ng “Mura lang iho. 6 pesos lang.”

Mainam nga naman ang ganitong sistema – ang pagbibigay ng pangalan sa isang produktong hit sa masa dahil sa mura na, masarap pa. At dagdag pa nga ni John kanina, ang virgin ay matamis, sobrang tamis.

Daig pa ng virgin cola ang tag line ng isang produktong alak dati na nakapaskil sa isang billboard sa EDSA. Ang sabi ng tag line, “Nakatikim ka na ng 15 anyos?” Nag-alsa ang mga kababaihan noon lalung-lalo na ang mga moralista nating kababayan. Nag-alsa sila dahil pakiramdam nila niyurakan ang dangal ng mga kababaihan sa linyang iyon. Pero kung ating iisipin, ang linyang iyon ay mababasa lamang sa isang billboard at mapapanood sa telebisyon. Hanggang doon lamang ang kapit ng kamandag ng 15 anyos.

Sa ganyang konteksto, masasabi nating mas matalino ang nag-isip na gawing virgin ang brand name ng kanilang inumin. Biruin mo, ang virgin ay generic. Hindi masasabi ng mga moralista o kung sino mang kritiko na niyurakan ang dignidad ng kung sino man. Alangan namang sabihin rin nilang ang kanilang pag-aalsa ay para sa isang generic na adhikain. Nakakwindang naman ata iyon. Kami po ay nag-aalsa dahil sa pambabastos ng produktong ito sa lahat ng virgin dito sa ating bansa. Ang tanong, ilang porsyento na lang ba ang birhen sa ating bansa ngayon?

Sa ganitong paraan, ang salitang virgin ay hindi na magiging taboo sa isang bahay. Ang virgin at virginity na paksain lamang ng mga lasing na mga kalalakihang nag-aaral sa kolehiyo ay magiging parte na ng ating pang-araw-araw na pakikipagtalasatasan. Galing sa simbahan sasabihin ni bunso, “Nay, bili tayong virgin!” Ang sagot naman ni kuya, “Sige, kasi hindi pa ako nakakatikim ng virgin!” At dudugtong si ate, “Ano?! Ilang beses na kaya ako nakatikim ng virgin. May benta si Aleng Nena sa kanto at meron kaya sa school cafeteria.” At biglang tatapusin ni lolo ang usapan, “Magsitigil kayo! Sa panahon namin walang virgin!”

6 thoughts on “Ang Virgin Cola

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s